Surveys: Reversal of Points

Surveys: Reversal of Points

Ano ang Reversal of Points?

Ganito: nag-answer ka ng survey, na-receive mo yung points, pero after some time, nawala rin yung points na yun. In other words, na-reverse or naibalik yung points sa survey provider.

Lahat ng survey sites ay may condition na ganito.

Bakit nagkakaroon ng point reversal?

Ito ang ilan sa mga maaaring dahilan:

1. Nagmadali kang tapusin ang survey, o mabilis ang pagpindot o pag-click mo.

2. Dati mo nang nasagutan ang survey. Pwedeng sa mismong survey provider na yun o sa ibang survey site.

3. Mayroong fraud.

Paano maiiwasan ang point reversal?

1. Huwag magmadali.

2. Bigyan ng 1 to 2 seconds interval ang pag-click.

3. Basahing maigi ang mga survey questions kahit gamit ang mga mata lang.

4. Siguraduhin mong tugma ang nasa profile mo sa mga isasagot mo sa surveys.

4. Be honest. Huwag susubukang mandaya o magsinungaling.

MY PERSONAL EXPERIENCE

Once pa lang nangyari sa akin ang point reversal sa GrabPoints, ang favorite survey site ko ngayon.

September 2022. Nagtaka ako bakit nabawasan yung points ko.

Yung isang 600-points na na-earn ko sa Revenue Wall survey provider/router, yun yung na-reverse.

Click image for clearer resolution.

Checking my emails, unfortunately, hindi pala ako nakapag-submit ng ticket sa customer support to know kung bakit ito na-reverse.

Pero kahit nagkaroon ako ng point reversal sa GrabPoints, hindi naman siya ganoon kasakit kasi bawing-bawi naman sa ibang pang surveys.


GrabPoints pa rin ang number one survey site ko noong 2022 until now. Kung wala ka pang account, sign up na!

If you have questions, comment them below or message me at www.facebook.com/SirBaePH.

💙

Comments

Popular posts from this blog

Paypal: Gumawa ng Account

GrabPoints Online Surveys: Review 2023